March 24, 2009. Walanghiyang ipis yan. Akala mo bahay nila to, e hindi naman sila nagbabayad ng kuryente namin. Masyado nilang inaangkin ang dapat e akin lamang. (Ang drama) Yan ang problema ko ngayong araw. Ipis. Habang nagsusulat nga ako ngayon, may ipis na gumagapang sa desk ko. Wait lang.
(Ayun, nakatakas. Badtrip. Babalikan kita mamaya. Patay ka sa akin.)
Nagsimula ang giyera ko sa mga ipis kagabi, dahil pagpasok ko ng kwarto ko may ipis na nakahiga sa kama ko. Naku, hindi man lang nagpaalam. Basta basta na lang sila namamakialam ng mga bagay na hindi naman sa kanila. Baka nga yung toothbrush ko, ginagamit na din nila e.
Dahil nga sarap na sarap ang ipis sa paghiga niya sa king-size super bed ko. Sinalubong ko sya ng hampas mula sa paborito kong magazine. Buhay pa din. Pero nanghihina na. Umarangkada ng takbo. Iniikot nya yung antenna nya. Nagtawag siguro ng resbak. Pero hindi ko na hinayaang makatakbo pa siya sa liblib na lugar sa kwarto ko. Kaya umarangkada na ako at PLAK!. Dedbol na si ipis. 1 for me. 0 for the ipis.
Reenactment
March 2008
Sa tagpi-tagping bahay ni Pedro
Juan: WAAAHHH!! PEDRO!! WALA NA TAYONG PULUTAN!!!
Pedro: Naubos na yong kornik?
Juan: OO!!
Pedro: Yung mani?
Juan: KANINA PA!!
Pedro: Yung bopis?
Juan: KINAIN NUNG ASO!!!
Pedro: Wala na tayong pang-pulutan. Pasensya na boy.
Juan: HINDI!!! KUMUHA KA NG IPIS DYAN AT IGISA MO!!
Pedro: Wala ng ipis dito. Pinatay ko na.
Juan: NOOOOOOO!!!!!!!! (Inatake sa puso.)
Anu nga ba ang kahalagahan ng mga ipis sa buhay ng tao maliban sa masarap na pulutan ng mga lasinggero sa kabisayaan? Ang sagot ay nakuha ko sa biology teacher namin, na napagalaman ko na isa din palang ipis killer. Sabi niya ang ipis daw ay parte ng food chain, kung wala daw ipis e wala ng pulutan ang mga lasinggero na maaring maging dahilang ng pagkaubos ng mga lasinggero sa Pilipinas. Nakakalungkot na katotohanan. Perwisyo man sila sa atin, kailangan pa din natin ng mga ipis para magpatuloy ang buhay sa Earth.
Nakita ng ibang ipis ang ginawa kong pagpatay sa kalahi nila. Bigla tuloy nagpatupad ng martial law ang kumander nila. Handa daw silang lumaban sa giyerang sinimulan ko. Medyo nangiginig tuloy ako ngayon. Nasa panganib na ang pamilya ko ngayon. Pinaalis ko na yung mga ibang nakatira dito, sina butiki lilipat na daw sa kapitbahay. Sina gagamba, sa bodega muna daw. Yung aso namin, nagkulong sa doghouse kung saan ‘safe’ daw siya. Nagsuot na din ako ng bulletproof vest para siguradong makakaligtas ako kung ipabaril ako sa isang hitman.
Kinabukasan, wala pa namang nangyayaring kababalaghan. Kumpleto pa ang mga parte ng katawan ko paggising ko nung umaga. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakatakot maging kalmado sa panahon ng civil war. Ang Pedro laban sa cookie-sized Cockroach para sa pagmamay-ari ng tagpi-tagping yero na tinatawag naming bahay. Hindi dapat magpatalo, dahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag ginawang beerhouse ng mga ipis ang bahay namin.
Tanghaling tapat nagmadali akong pumunta sa supermarket para bumili ng isang dosenang insect spray. Baygon, Crocodile, Raid, Tide, Rexona, Bear Brand at Rejoice. Iba’t-ibang brand ng pamatay insekto (at tao na din) para mas effective ang pagpuksa ko sa kalaban. Bumili na din ako ng sabon para mabango pagkatapos maligo.
Pagkauwi ko, walang tao sa bahay. May nakadikit na papel sa pintuan ng ref, nakalagay “Umalis kami, nakakatakot ka kasama sa bahay e.” Bigla ko tuloy naisip na ako lang mag-isa ang haharap sa kalaban. Kahit na malaki ako, madami naman sila. Kaya lugi pa din. Hinanda ko na yung mga trap sa paligid at kasuluksulukan ng bahay namin habang may araw pa, dahil pagdating ng dilim, babangon na mula sa eskinita ng kisame namin ang mga salot ng lipunan. Naupo ako sa isang sulok, nakabalot ng sweater at kapote, hawak ang baygon sa kanang kamay at Jolly Hotdog sa kaliwa. Hinihintay ang pagsugod ng kalaban.
Reenactment
6:30 PM
Sa butas-butas na bahay na pagdadausan ng madugong labanan
Mama Mia: HOY PEDRO!!
Pedro: Ay! Putek na ipis ng nanay mo! Nay, anu ba?! Natutulog yung tao eh.
Mama Mia: BAKIT KA NATUTULOG DYAN SA ILALIM NG LAMISTA NATIN??!??!
Pedro: ahh, ehh. Wala, trip trip lang.
Mama Mia: Anak, adik ka ba?
Pedro: Anu ba nay! Hindi no, hinihintay kong lumabas yung mga ipis. Papatayin ko silang lahat.
Mama Mia: Naku, anak wala na yang mga hinihintay mo. Tumawag ako ng Ipis Exterminator kaninang umaga. Ayun, pinuksa nya lahat ng ipis sa atin. Siya pa nga ang naglinis nung mga bangkay e, iuuwi nya daw, masarap panggisa. Kaya tumayo ka na dyan. Potek ka! Nakalat ka pa ng mga mabahong medyas dito. Akala mo ba mapapatay mo yung mga ipis nyan!
At doon natapos ang aking kalbaryo laban sa mga ipis. Hindi man madugo ang kinahinatnan ng aming laban, at least nawala na sila dito. Makakatulog na ako ng mahimbing simula ngayon. Or makakatulog ba talaga ako ng mahimbing?
Tuesday, May 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi, interesting post. I have been wondering about this issue,so thanks for writing. I'll probably be subscribing to your site. Keep up great writing
ReplyDelete