Wednesday, April 15, 2009

Ang Bagong Superhero



[caption id="attachment_87" align="aligncenter" width="301" caption="TAMA, sya ang bagong superhero of all time."]superhero[/caption]


Una sa lahat, di ko alam kung pano ko 'to sisimulan.. dahil sa aking pagkakaalam, hindi ko blog 'tong lugar na 'to, nanghihimasok lang ako, or NAGTTRABAHO.


Isang araw, sa isang island, may batang naglalakad. Nakakita sya ng isang kabibe na maganda, sabi nya, "Wow". Pinulot ito ng bata at pinaglaruan.  Sa di inaasahang pagkakataon, hindi inakala ng bata na ang kabibe ay isang parang wishing lamp. So bale, lahat ng sinasabi nya ay nagkakatotoo. Hindi nya naman naisip yon nung una, kase dahil sa kanyang murang isip hindi nya maiisip na wishing lamp yun, halerr.

So.. Dito magsisimula ang kanyang paglalakbay.

"Ang Kabibe ni Berto"

Ang pangalan nya ay Berto.

Berto.. Berto.. Berto..

Sa unang araw na hawak nya ang kabibe ay masayang gumising si Berto. Hindi nya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang dahil wala na syang mga magulang. Si Berto ay isang bata na pagala-gala na lamang at napadpad sa may dalampasigan kaya nakita nya nga ang nasabing kabibe na pinangalanan nyang  "Bhe".

Naglakad lakad si Berto habang bitbit si "Bhe", maya-maya ay may nakita syang malaking bato na nakaharang sa kanyang daanan. Nagtaka sya kung pano nagkabato sa kanyang daanan eh kanina lang ay nakita nyang wala ito doon. Hindi nya na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa kayang paglalakabay. Naisip ni Berto, para may ginagawa na siya, ay gusto nya maging SUPERHERO. At dali-dali nya itong hiniling kay "Bhe". At naging superhero nga ang bata. Isang superhero na ang powers ay hindi nya pa nadidiskubre.

Itutuloy..

(written by: Onyang)

Copyright © 2009

No comments:

Post a Comment