I feel weak.
tired.
restless.
falling apart.
>_<
Saturday, April 25, 2009
Monday, April 20, 2009
Day 02. Whoaa.
Another boring day. As I open my eyes this morning, i was startled by the dream i dreamt of. It was scary and I thought that the earth will break down into pieces because of fire sent from heaven.
But my story will not focus on that part because it will be totally BOOORING..
11:58 a.m
I opened my wordpress account, to check on blogs that kuya rouken made. And i found out..
ANOOOOO??!
romantic comedy pala yung gagawing shortfilm ni kuya rouken. WAAA! Magbaback-out na ko. Nasusuka ako. WAAAAA! Bakit romantic comedy.. PFT. Kailangan ba talaga yun? Haay. Writer ako at hindi actress (sa pagkakaalam ko..)
Bahala na..
Today.
The sky is pale. The wind is blowing softly. And my mood is great.
LOVE IS IN THE AIR. ^^
INLOVE ako. XDD
i'll post another. laterr.
~onyang

Friday, April 17, 2009
Day 6503 of my life
No update.
I'm currently writing a screenplay for my new short film.
It's title?
LOVADABADINGDONG.
It's pretty exciting.
and yes, it's a romantic comedy.
xD

Labels:
days,
Featured,
j.k. wong,
life,
pedro,
rouken,
The Author's Note,
wong,
xd,
XD Productions
Wednesday, April 15, 2009
Day 01. Welcoming
[caption id="attachment_94" align="alignleft" width="228" caption="the writer"]
[/caption]
That's right. But something is wrong.
Hello world, I'm Onyang. I'm the new partner in crime of this rouken guy. XDD
He invited me to write on his blog. And since, i'm bored this summer, i agreed.
Now, i'm starting to think of things that are unusual. RARE. UNIQUE. I will show the world how my random thinking works.
Again, thankyou for letting me express "The squeezed brain of Onyang"
~onyang here. :]]

Day 6501 of my life: Welcome Onyang Edition
I have a new partner in crime.
She's super cool.
I think she's a russian.
Her mind is full of inexplicable things.
She is none other than.
Onyang!
She will contribute to the blog of xd productions.
and you should expect great things from her.
xD
good luck to both of us.

Ang Bagong Superhero
[caption id="attachment_87" align="aligncenter" width="301" caption="TAMA, sya ang bagong superhero of all time."]

Una sa lahat, di ko alam kung pano ko 'to sisimulan.. dahil sa aking pagkakaalam, hindi ko blog 'tong lugar na 'to, nanghihimasok lang ako, or NAGTTRABAHO.
Isang araw, sa isang island, may batang naglalakad. Nakakita sya ng isang kabibe na maganda, sabi nya, "Wow". Pinulot ito ng bata at pinaglaruan. Sa di inaasahang pagkakataon, hindi inakala ng bata na ang kabibe ay isang parang wishing lamp. So bale, lahat ng sinasabi nya ay nagkakatotoo. Hindi nya naman naisip yon nung una, kase dahil sa kanyang murang isip hindi nya maiisip na wishing lamp yun, halerr.
So.. Dito magsisimula ang kanyang paglalakbay.
"Ang Kabibe ni Berto"
Ang pangalan nya ay Berto.
Berto.. Berto.. Berto..
Sa unang araw na hawak nya ang kabibe ay masayang gumising si Berto. Hindi nya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang dahil wala na syang mga magulang. Si Berto ay isang bata na pagala-gala na lamang at napadpad sa may dalampasigan kaya nakita nya nga ang nasabing kabibe na pinangalanan nyang "Bhe".
Naglakad lakad si Berto habang bitbit si "Bhe", maya-maya ay may nakita syang malaking bato na nakaharang sa kanyang daanan. Nagtaka sya kung pano nagkabato sa kanyang daanan eh kanina lang ay nakita nyang wala ito doon. Hindi nya na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa kayang paglalakabay. Naisip ni Berto, para may ginagawa na siya, ay gusto nya maging SUPERHERO. At dali-dali nya itong hiniling kay "Bhe". At naging superhero nga ang bata. Isang superhero na ang powers ay hindi nya pa nadidiskubre.
Itutuloy..
(written by: Onyang)
Copyright © 2009
Tuesday, April 14, 2009
Author's Note: Summer
April 7, 2009. Super. Init. Parang nasa disyerto na kami. Nakatapat yata yung araw sa Pilipinas. Lagpas body temperature ang init, sabi ng thermometer namin. May pawis na tumutulo sa halos lahat ng parte ng katawan ko, pati dun sa parteng hindi ko pedeng banggitin sa publiko. Palapit na yata ng palapit ang impyerno sa lupa. Nahulog siguro ang earth sa galaxy kung saan puno ng active volcanoes. Mahal na mahal siguro ni Sun si Earth kaya niyayapos nya itong maigi. Pero kahit ano pa man ang dahilan, walang makakapagkait na napaka-init ngayon. Summer yata ang tawag sa panahon na ito.
Isang bagay na ayoko sa pagtira sa Pilipinas e ang sobrang init ng panahon dito. Kahit tag-ulan mainit pa din at wag mo na akong pagsimulain na magsalita tungkol sa tag-init. Ewan ko nga ba, parang butas yata ang ozone layer ng Pilipinas kaya pag nakatapat ang araw sa atin e damang-dama ng bansa natin ang lagablab ng haring araw. Isang bagay na nakakabutas ng ozone layer? Polusyon.
Meron na sigurong pag-aaral na nagsasabi sa kung sobrang laganap ang polusyon sa ating bansa. Pero natatamad akong magresearch sa sarili ko kaya bahala na kayo sa paghusga kung mataas nga ba ang polusyon sa bansa natin. Basta mataas ang polusyon, na nagdudulot ng pagkabutas ng ozone layer at paglala ng init sa bansa natin.
Wala na tayong magagawa kung galit man sa atin ang araw o malakas lang talaga ang apoy sa stove ni Satanas. Hindi na natin mababago kung ano mang panahon meron tayo dito. Ang pwede na lang natin gawin e gumawa ng paraan upang maibsan ang init na nararamdaman natin sa sarili. Isang magandang solusyon, magswimming.
Tradisyon na ng mga tao sa earth ang paglabas sa bahay nila, iwanan ang panonood ng tv, paglilinis ng kuko sa paa, pagluluto ng mamantikang ulam, pakikipagtelebabad, at pakikipagchat sa mga walang kwentang tao sa internet upang pumunta sa isang resort o beach, saan man kaya ng pera nyo. Masaya ang pag-swi-swimming dahil dito mo lang mararamdaman ang ginagawa ng mga isda sa buhay nila. Nakakatulong ito para maibsan ang init, nakakapresko pa, mawawala ang lagkit ng katawan, at malalabanan ang taglay na kasamaan ng heat stroke.
Ganyan ang sinabi kong dahilan sa aking lola, pero hindi ko pa din siya napilit na ituloy ang dapat na outing namin sa beach. Kaya eto ako, naliligo na lang sa aking pawis.
Reenactment
April 2006
Pedro: Ang init!
Mama Mia: Summer ang tawag dyan.
Pedro: Para akong sinusunog!
Mama Mia: Bakit ka kasi nasa arawan?
Pedro: Tumutulo ang pawis ko mula ulo hanggang paa!
Mama Mia: …
Pedro: 37 Degrees yata ang temperatura dito!
Mama Mia: Hindi ka ba titigil?
Pedro: Sobrang init talaga!
Mama Mia: Sige na! Pupunta na tayo sa Baguio!
Pedro: Sa wakas! Akala ko hindi mo ako nagets e.
Isa pang solusyon para maibsan ang init e ang pagpunta sa malalamig na lugar sa Pilipinas. Isang lugar siguro na pumasok agad sa isip mo ang Baguio, ang tinaguriang Summer Capital of the Phillipines. Pero meron naman ding ibang lugar na malamig ang simoy ng hangin, tulad ng mga bulubunduking probinsya at freezer ng ref nyo. Ang Baguio nga lang ang 1st choice ng mga Pilipino para puntahan sa mga panahong napaka-init.
Mga dalawang beses pa lang yata ako nakakapunta sa Baguio at yun e noong bata pa ako, kaya wag niyong asahan na meron akong mga facts na ibabahagi sa inyo. Basta alam ko malamig dun at may mga souvenir na may pagkabastos tulad ng “specially hand-crafted wooden (male reproductive organ)”. Tama ang nabasa mo, (male reproductive organ). Sino man ang nakaisip ng ganon e lubos na ang pagpapasalamat ko sa kanya sa pagtulong niya para mapalago ang mga gawang pinoy.
(Kailangan kong pumuntang Baguio para makabili noon.)
“Hindi.” Yun pa din ang textback sa akin ni lola. Wag ko na daw siyang pilitin at wala na siyang load. Wala din daw kaming pera para makapunta sa Baguio. Ang ganda ganda na ng mga nabanggit kong dahilan pero wala pa din. Kaya eto pa din ako, pinipiga ang tshirt kong basang-basa na sa pawis.
Badtrip. Natalo mo ako ngayon, mainit na panahon. Pero babawi ako sayo. Promise.

author's note,
Featured,
j.k. wong,
life,
pedro,
rouken,
The Author's Note,
wong,
xd
Day 6500 of my life: SUPER INLOVE edition
You may find it totally lame.
or boring.
But I'm so inlove right now.
Can't explain everything.
One thing is for sure.
I'm So Inlove.
=]
or boring.
But I'm so inlove right now.
Can't explain everything.
One thing is for sure.
I'm So Inlove.
=]
Labels:
days,
Featured,
j.k. wong,
life,
Love amp; Life,
pedro,
rouken,
The Author's Note,
wong,
xd
Monday, April 13, 2009
Day 6499 of my FREAKING ADORABLE life
I just love my life right now.
I can't begin to explain how happy i am today.
It's so freaking great!
HIGH FIVE!
I can't begin to explain how happy i am today.
It's so freaking great!
HIGH FIVE!
Labels:
author's note,
days,
Featured,
j.k. wong,
life,
pedro,
rouken,
The Author's Note,
wong,
xd
Thursday, April 9, 2009
Day 6495 of my life: Maundy Thursday Edition
Well, for i know today is Maundy Thursday.
Malls are closed.
Public TV Channels have irregular showtimes.
And Summer is getting on my nerves.

Wednesday, April 8, 2009
Author's Note: Entrance Exam
April 4, 2009. Gumising ako at tinignan ang oras. Syet. 5:30 pa lang. Pero bumangon na din ako para ihanda ang gamit ko. Etong araw na kasi na ito ang Entrance Exam ko sa (ilagay ang eskwelahan na gusto mo) na magsisilbing simula ng aking kalbaryo sa kolehiyo. Napakabilis nga talaga ng panahon at konti na lang e matatapos na ang mahaba kong bakasyon.
(Sa mga hindi nakakaalam, pagkatapos ko ng high school ay nakipagsapalaran ako sa loob ng big brother house na dahilan ng pagtigil ko ng pag-aaral. Masaklap dahil hindi man lang ako sumikat kahit na konti. Badtrip.)
Kinakabahan ako ng konti, dahil yung huling beses na nag-entance exam ako e napahiya ako ng husto. Ewan ko ba. Slight lang ata.
Re-enactment.
April 2004.
Si Pedro ay papasok ng room na pagdadausan ng exam.
Proctor: Hoy! Balik! Hindi ko pa nakikita yung permit mo.
Pedro: Sorry po mam. Eto na po.
Proctor: Resibo to eh. Yung permit ang sabi ko.
Pedro: Pasensya na po. Eto na.
Proctor: Hindi ka naman dito ha. Dun ka sa kabilang room.
Pedro: Wah.
Kabado talaga ako nun. Kaya nawala ang focus ko. Buti na lang ay naipasa ko ang exam, kahit na napakakulit nung katabi ko dahil hiram ng hiram ng pambura.
Nakakain na ako. Nakaligo. Nakapagtoothbrush. Nakapagbihis. Handa na akong lumarga papuntang (ilagay ang eskwelahan na gusto mo). Masaya ang biyahe at dahil papasikat pa lang ang araw hindi pa masyadong mainit. Pinapanatili kong kalmado ang sarili at hindi ko hinahayaang angkinin ako ng aking kaba.
(Now Playing: Swimming Beach – Parokya ni Edgar)
Ayos ang soundtrip sa jeepney, nakakagaan ng loob. Kahit papaano e nawala sa isip ko ang mga mangyayari sa araw na ito. At sobrang ganda nung babaeng nasa dulo. Mukhang swerte ako ngayong araw.
Umabot ng bente minutos ang biyahe sa jeep, dalawang minutong paghihintay sa traffic light na hindi naman pala gumagana. Trenta segundo ang pagtitig ko dun sa magandang babae, bago niya yata napansin at nagdesisyon ng bumaba. Anim na minuto ang tagal ng ulan na para bang tinatakot ako dahil wala akong dalang payong, buti na lang tumigil ito bago ako dumating sa aking destinasyon. Pagbaba ko, biglang sumagi sa isip ko na ito na ang huling pagkakataon para umatras pero bigla din akong nabiyayaan ng lakas ng loob. Kaya dire-diretso akong pumasok sa gate, badtrip nga lang dahil hinarang ako ng guard.
Reenactment.
April 4, 2009.
Sa gate ng eskwelahan.
Guard: At saan ka pupunta? Hindi ka naman pumapasok dito ha ano ka papasok ka na lang nang ganon ganon hindi pwede yan papasok ka na lang dito e wala ka naman estudyante ka ba hindi naman kita kilala e ha ano ano ano bakit hindi ka magsalita hoy magsalita ka ano ba tignan mo wala ka naman pala e.
Pedro: Ahh.. Ehh.. Mag-eexam po ako.
Guard: Ah, ganun ba. Bakit hindi mo sinabi. Eto naman ayaw magsalita. Anu mararating mo nyan. Sige po pasok ka na. Doon yung exam sa building na yun.
Pedro: Sige po. (sabay takbo)
Nakakatakot di ba? Umpisa lang yan ng mga nakakawiling adventures ko kung saan e magiging superhero ako para kalabanin ang mga nakakatakot na guro sa paaralang ito, masaya sana pero parang palabas lang sa tv.
Pagdating ko sa room na pagdadausan ng aking exam, nakita ko na marami na agad estudyante na hindi naman masyadong nakakagulat dahil medyo late na akong dumating. Mayrong proctor na nakatayo sa pintuan at nag-che-check ng mga permit ng mga mag-eexam. Tapos tinuturo nya kung saan dapat umupo ang bawat isa para nga naman organisado, hindi katulad nung high school na unahan ang mga bata sa upuan na walang vandal, hindi sira ang desk at magandang vantage point para sa pangongopya.
Tinuro sa akin ng proctor ang aking upuan na sa bandang likod nakalagay. Ayos lang naman sa akin kahit saan basta yung katabi ko e hindi mabaho at hindi maingay. May karanasan kasi ako na yung naging katabi ko e sobrang baho, parang minu-minuto e nagpapalabas ng hangin. Badtrip yung ganun, kasi nakakasira ng focus sa pagsagot sa test. Kahit 1 + 1 siguro mahihirapan kang sagutin dahil sa amoy na sumisira sa utak ko.
Pagkaupo ko pa lang ramdam ko na aura sa buong kwarto. Sa bawat mukha ng taong nandoon, kita ang kaba, takot, antok, pagkabagot, gutom, problema sa pag-ibig at yung mga mukhang napapajingle na. Pero ako parang nawawala na yung kabang nararamdaman ko, siguro dahil may magandang tumabi sa akin ngayon ngayon lang. (Yes!)
Badtrip. Ang tagal mag-umpisa ng exam. Mas tumataas tuloy ang kabang nararamdaman ng mga taong nasa room. Hindi kasi namin alam kung ano ba ang mangyayari. Baka nga may nag-iisip na bigla na lang may papasok sa room na serial killer at sasabihing “Welcome to the entrance exam chainsaw massacre!!!”.
Wow. Nakakatakot yun. Pero ako, iniiwasan kong mag-isip nang mag-isip. Panget kasi yun. Lalo na pag katulad kong napakalawak ng imahinasyon. Kaya pinalipas ko na lang ang oras sa pagtingin sa mga batang nasa paligid ko. At kitang-kita ang iba’t-ibang klase ng tao na kasama ko. Merong maganda. Merong panget. Merong parang grade 6. Merong parang gurang na yata. Merong kinakabahan. Merong inaantok. Merong parang hindi naligo. Merong parang sobra sa make-up. Merong parang may utang pang hindi nababayaran. Merong parang papansin lang. Merong nakakilala sa akin, sabi pa “Woi! Kilala kita di ba?”. Merong patext-text lang. Merong parang hindi kumain ng agahan. At merong sobrang gwapo. (ako yun)
Lumipas ang oras at siguro dahil sa sobrang tagal magsimula e biglang may sumigaw nang “Hoy! Magsimula na tayo!”. Galit na galit. Kaya natauhan siguro yung proctor at pinaliwanag na ang gagawin sa exam. Pagkatapos ibigay sa amin ang instructions. Ipinasa na ang mga test booklets at answering sheets. Pero bago ako magsimula, nagdasal muna ako kay papa Lord.
“Lord, sana po patnubayan niyo ako sa pagsagot ng exam na ito. Sana madali lang. Sana wala akong maling sagot. Sana walang mangopya. Sana pag-uwi ko e masarap yung ulam namin. Yun lang po. Salamat sa pakikinig. Sa pangalan ni Hesus. Amen.”
Pagbuklat ko sa test booklet, nakita ko na para lang NCAE ito. Mas madali pa yata. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano ang nangyari sa pagsagot ko sa exam. Basta sabihin na lang natin na perfect ako dun. (yabang)
“Time’s up!” Sabi ng proctor.
“Kanina pa ako tapos.” Sabi ko naman.
Ibinalik na namin ang test booklet at answering sheets sa kakagising lang na proctor. Ayos. Nakaraos din sa entrance exam. Sana lang e nakapasa ako dahil kung hindi e mahahagisan ako ng tsinelas.
At iyan ang kwento kung paano ko naligtas ang prinsesa sa napakabagsik na dragon. Kinabahan man ako nung una, nawala naman ito kaagad at natapos ko ng maayos ang dapat kong gawin. Sana lang paglabas ko dito sa school e wala na yung nakakatakot na guard. Wait lang. Andyan pa din siya. Sasabay na lang ako sa ibang estudyante para hindi ako makita.

Tuesday, April 7, 2009
Author's Note: Time for a New Start
April 01, 2009. Bored. Gusto ko sanang magsulat ng short story, gaya ng ginagawa ko dati, pero masyado akong tamad para magsimulang kunin ang ballpen at ubusin ang tinta nito sa aking grade 6 pad. Walang kwenta. Puro na lang ako isip. Araw-Gabi. Puro isip. Walang gawa. Puro isip. Tamad.
1995. 4 years old ako nun. Base sa aking long-term memory, mahilig na ako noong mag-isip pero syempre, isip-bata. Marami akong laruang robot noon at gaya ng lahat ng bata sa mundo, pinaglalaruan ko ito na para bang may buhay sila. Dahil na din siguro sa napakalawak na imagination ko kaya ang mga robot kong laruan ay nakakapunta sa mars at binabaril ng laser gun ang mga higanteng uod.
1997. Preparatory Grade ako nun. Nakatulong ulit ang kaka-isip ko upang makakuha ako ng 1st honor sa klase namin. Tapos grumaduate pa ako ng may tansong medalya sa leeg ko. Ang yabang noh. Maganda daw yung kahit bata ka pa e marunong ka ng umintindi ng mga pinagaaralan dahil tulad nung nangyari sa akin, nakakasagot ako sa mga test dahil sa kaka-isip ko sa mga pinag-aralan namin noong mga panahon na iyon.
2004. Kakaumpisa ko lang ng high school. Sinubukan ko nang gamitin ang pag-iisip ko sa ibang bagay. At unang sumagi sa isip ko ay babae. Galing diba, kailangan talaga ng malawak na pag-iisip pagdating sa panunuyo, pagporma, at panliligaw. Medyo komplikado kasi ang mga babae. Kaya dapat laging pinag-iisipan ang bawat galaw mo, parang chess, kailangan mong isipin ng maigi kung saan mo ippwesto ang bishop mo para makain mo ang napakagandang queen ng kalaban mo.
2007. Masaya pa din ang adventures ko sa high school. Ngunit sa panahon lang na ito ko naisip na gusto kong gamitin ang utak ko sa pagsusulat. Siguro uubra sa pagsulat sa papel ang mga bagay na paikot-ikot lang sa isip ko. Kaya ayun tuloy, bigla ko na lang nakita yung sarili ko na kasali sa isang essay writing contest, na sa awa ng diyos e napanalo ko. 3rd place. Ayos na din. At least sa first try kong magsulat ng seryoso e may nakuha ako. Ayos na ayos.
2009. Nasa kadulu-duluhan na ako ng mahabang bakasyon ko, pero hanggang ngayon e hindi pa din ako nakakapagsimulang magsulat. Ang daming lumulutang sa isip ko pero dahil sa sobrang katamaran kaya hindi ko ito mailagay sa papel.
“Tamad.”
Wait lang. Wag mo naman akong sabihan ng ganyan. Hindi na ako tamad. Nagbago na ako. Sisimulan ko na ang gusto kong magawa dati pa. Hindi ko na sasayangin pa ang kawawang buhay ko. Ako si Pedro at hindi si Juan Tamad!

Monday, April 6, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)